PHO, nagbabala sa publiko laban sa heat stroke ngayong mainit ang panahon

Nagbabala ngayon ang Provincial Health Office o PHO sa publiko laban sa heat stroke dahil inaasahang mas titindi pa ang init na nararanasan ngayon dala ng epekto ng El Nino.

Posible umanong maramdaman ang heat stroke lalo na kung ang isang tao ay nabababad sa ilalim ng init ng araw.

Dahil dito sinabi ni Dr. Anna de Guzman ang PHO Officer ng Pangasinan na mas mabuting iwasan ang magbilad sa araw mula alas dyis ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Dagdag pa ni de Guzman na dapat ay uminom ng walong basong tubig kada araw, iwasan ang mga lugar na walang bintilasyon, magdala ng panangga sa init ng araw tulad ng payong at magsuot ng komportableng damit.

Speak Your Mind

*