PHO-Pangasinan, naka-alerto sa kaso ng zika virus

Walang kaso ng zika virus sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang sinabi ni Provincial Health Officer dr. Anna de Guzman at dagdag nito na nagbigay na ang PHO ng direktiba sa mga pampublikong ospital sa lalawigan kaugnay sa zika virus.

Nakasaad sa direktiba na kung may pasyente na may trangkaso ay tratuhin ito na emergency at dapat unahin.

Sa panayam ng Sonshine Radio ay sinabi rin niya na dapat ay tanungin ang mga ito ng kanilang history of travel o mga pinuntahang mga lugar lalo na sa mga endemic areas gaya ng sa Colombia at Brazil.

Tinatanong din sa mga pasyente kung may mga kamag-anak silang OFW o balikbayan na galing sa mga nabanggit na lugar.

Payo ng PHO sa mga mamamayan na agad dalhin sa pagamutan ang tao ng dalawa o tatlong araw ng may lagnat, lalo na kung may history ng pagbiyahe sa mga lugar na mayroon kaso ng zika virus.

Speak Your Mind

*