Pinablin dalin at kurit panlunggaring book one, nasa mga library na ng Pangasinan

Lahat ng mga library sa lalawigan ng Pangasinan ay nabigyan na ng kopya ng libro na Pinablin Dalin at Kurit Panlunggaring Book One.

Ito ang kinumpirma sa sonshine radio ni Ma. Eluisa Elduayan, head ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) at dagdag nito na lahat din ng manunulat cultural workers ay nabigyan din ng kopya.

Ang libro na pinablin dalin ay hinggil sa kasaysayan ng pangasinan na isinulat sa salitang pangasinan.

Ang laman naman ng Kurit Panlunggaring Book One ay mga literary pieces na nagwagi sa mga nakaraang kurit panlunggaring literary contest.

Ayon kay Elduayan limitado ang kopya ng pinablin dalin, habang mayroon pa aniyang kopya ng kurit panlunggaring.

Malaking tulong ang nasabing mga libro para lalong mahasa at mahalin ng mga pangasinense ang salitang Pangasinan.

Speak Your Mind

*