Pinakabagong Kasambahay Wage Order, inaprubahan sa Region 8

Kasambahay-300x180Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Region 8 ang pinakabagong Kasambahay Wage Order.

Nakapaloob sa nasabing batas ang bagong minimum wage rates ng mga domestic worker na dapat matanggap sa Eastern Visayas.

Mula sa P2,000 kada buwan ay magiging P2,500 na ang matatanggap ng mga kasambahay na namamasukan sa mga first class municipalities tulad ng Leyte at Samar.

At mula naman sa isang P1,500 ay magiging P2,000 na ang sweldong matatanggap ng mga kasambahay na namamasukan sa mga lugar tulad ng Biliran at Southern Leyte.

Kasabay nito, nanawagan din ang Department of Labor and Employment sa mga employer na kailangang may maayos na tinutulugan at nakakakain ng maayos ang mga kasambahay.

Speak Your Mind

*