Police hiring, wala umaong kinalaman sa papalapit na halalan – Napolcom

Walang kinalaman ang papalapit na halalan ngayong darating Mayo sa isinasagawang police hiring.

Ito ang sagot ng National Police Commission o Napolcom Regional Office kaugnay sa isyung isinasagawa ang recruitment sa mga bagong pulis bilang paghahanda sa papalapit na eleksyon.

Ayon kay Atty. Edwin Mapili, Assistant Regional Director ng Napolcom na taon-taon ang kanilang isinasagawang recruitment at pagtanggap ng mga applikasyon para sa mga gustong magpulis.

Nilinaw naman ni Mapili na bilang bahagi ng ipinapatupad na election ban ng Comelec, bawal sa hanay ng kapulisan ang pagpapatupad ng appointment at promosyon.

Mahigpit din umanong ipinagbabawal sa mga police in uniform na maging political partisan o pumanig sa iisang kandidato ngayong papalapit na halalan.

Speak Your Mind

*