Presyo ng bangus sa Dagupan City, wala pang paggalaw

Wala pang paggalaw sa presyo ng produktong bangus sa magsaysay fish market sa lungsod ng Dagupan bagamat isang linggo nalang bago ang paggunita sa mahal na araw o semana santa.

Sa ngayon, nananatili parin sa P115 hanggang P120 ang whole sale sa kada kilo ng bangus habang nasa P130 –P140 ang retail sa kada kilo ng bangus.

Ayon kay Emma Molina, ang City Agriculturist ng Dagupan ang madaming supplay ng mga isda ang dahilan sa hindi paggalaw sa presyo ng bangus.

Nakatulong din aniya sa magandang produksyon ng bangus ang maganda at mainit na panahon nitong nakaraang buwan ng pebrero kung saan naging mabilis ang paglaki ng mga alagang bangus.

Sakali namang may magiging pagtaas sa presyo sa susunod na linggo, sinabi ni Molina na posibleng aabot lamang ito sa P5 hanggang P10 kada kilo.

Speak Your Mind

*