Presyo ng tinapay, inaasahang bababa anumang araw ngayong linggo

Nag-abiso na sa Department of Trade and Industry (DTI) ang bakers ng branded tasty bread ng rollback sa presyo ng tasty bread sa merkado.

Aabot sa singkuwenta sentimos ang ibababa ng presyo nito sa mga tindahan, anumang araw ngayong linggo.

Dahil dito, inaasahan namang magsusunuran na sa rollback ang iba pang local bakers ng tasty bread sa bansa.

Ang rollback ay resulta ng pagdami ng suplay ng imported flour sa bansa at mababang presyo nito sa merkado.

Speak Your Mind

*