PTCAO, tumatanggap na ang nominasyon para sa ASNA Award

Tumatanggap pa rin ang Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) ng nominasyon para sa ASNA Award.

Isa itong aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng taunang Pangasinan Day o Agew na Pangasinan sa Abril.

Sa panayam ng sonshine radio kay Ma. Eluisa Elduayan, head ng PTCAO hanggang Marso a onse ang deadline sa pagsusumite ng nominasyon para sa nasabing parangal.

Paliwanag ni Elduayan na ang ASNA ay isang lumang salita para sa asin.

Kapag sinabi aniya na ma-ASNA ay may magandang kaugalian at ito ang hinahanap nila sa pangasinense na bibigyang parangal.

Ang mga maaaring i-nomina ay mga Pangasinense na mayroong natatanging nagawa at kontribusyon para sa kapakanan ng kapwa, lalawigan at ng buong bansa sa iba’t ibang sektor tulad ng sensya at teknolohiya, sining, serbisyo sa gobyerno, public administration at serbisyo sa komunidad, kabilang rin ang sektor ng agrikultura at aqua-marine.

Ang mapipili ay paparangalan at makakatanggap ng tropeo.

Speak Your Mind

*