Public information and dissemination, mas paiigtingin ng BFP-Calasiao

Mas paiigtingin ngayon ng Bureau of Fire Protection o BFP ang kanilang public information and dissemination kasabay sa pagdiriwang ang Fire Prevention Month.

Ito ayon kay Fire Inspector Michael John Escano ng BFP-Calasiao ay dahil sa mas mataas na kaso na kanilang naitatala ay bulot ng kapabayaan sa tahanan at kapaligiran.

Nangunguna na aniya rito ang napabayaang nakasaksak na appliances, at gadget, naiiwanang nilulutong pagkain at mga napabayaang nasusunog na basura.

Sinabi pa ni Escano na sa pamamagitan ng kanilang pagbahay-bahay at pamamahagi ng mga leaflet ay tuturuan nila ang publiko sa mga dapat gawin kung paano maiiwasan ng sunog.

Mahigpit ding nagbabala ang Bfp sa mga establisyemento na iwasan ang paggamit ng mga octopus wiring dahil posible itong pagmulan ng sunog.

Speak Your Mind

*