Publiko, hinikayat ng BIR na ugaliin ang paghingi ng resibo

Hinihikayat ng Bureau of Internal Revenue (Bir) ang mamamaya na ugaliing humingi ng opisyal na resibo sa mga business establishment na pinagsasagawaan ng transaksyon.

Ayon kay Carmelito Caday Jr., head ng Taxpayers’ Assistance Unit ng BIR-Region one, may mga establisemyento na tumatangging magbigay ng opisyal na resibo, o hindi nagbibigay nito, liban lang kung humingi ang kustomer.

Nagbigay babala naman si Caday sa mga business establishments at professional workers tulad ng doctors at mga abogado.

Aniya kapag hindi magbigay ng opisyal na resibo ng mga nabanggit para sa itinindang goods at pagbibigay ng serbisyo ay pagmumultahin na maaaring humantong sa pagsasampa ng kriminal na kaso kapag nahuli na lumabag sa batas.

Speak Your Mind

*