Publiko, hinikayat ng DTI na makiisa sa taunang slebrasyon ng Earth Hour

Hinihikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mamamayan na makiisa sa isasagawang taunang Earth Hour sa Marso a-disi nuebe.

Ayon kay Engr. Peter Mangabat, Provincial Director ng DTI-Pangasinan bilang pakikiisa sa pakikipaglaban sa climate change ay  patayin ang ilaw sa loob ng isang oras, mula alas otso y medya hanggang alas nuebe y medya ng gabi.

Ang pagpatay ng ilaw ay bilang simbolo ng kanilang pangako sa planeta.

Ang Earth Hour ay binuo ng World Wide Fund (WWF) para pagkaisahin ang mamamayan na gumawa ng hakbang para sa planeta.

Mula 2009 hanggang 2013 ay nakamit ng Pilipinas ang titulong “Earth Hour Hero Country” dahil sa pagtatala ng pinakamaraming bilang ng mga nakilahok.

Speak Your Mind

*