PVET, walang naitaang kaso ng NCD sa mga nakalipas na araw

Walang masyadong reported cases ng New Castle Disease sa lalawigan ng Pangasinan nitong mga nakaraang araw.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Veterinarian Dr. Jose Eric Perez ang pinakahuling naitala ng kanyang opisina na kaso ng NCD ay noong Marso a-cuatro.

Base sa natanggap na report ng Veterinary Office mula sa mga munisipyo ngayong taon ay higit 40,000 cases ang naitala.

Gayunman noong nagkaroon ng pagpupulong ang mga ito noong unang linggo ng pebrero ay lumalabas na higit 123,000 NCD cases na ang kanilang naitala kaya ito ay pina-beripika naman ng Department of Agriculture (DA).

Sa isinagawang beripikasyon ay 48,137 na kaso lamang sa nabanggit na bilang ang kumpirmadong may NCD.

Lahat ng mga apektadong manok ay mula sa backyard.

Kinumpirma sa Sonshine Radio ni PEREZ na lahat ng mga lugar sa Pangasinan ay may kaso ng NCD gayunman hindi lahat ng barangay ay apektado na nasabing sakit.

Speak Your Mind

*