Rain or Shine Elasto Painters, nasungkit ang ikatlong sunod na panalo

Nagawa namang makuha ng Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa nagpapatuloy na 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay sa kabila ng pagpataw ng dalawang technical ang kanilang coach na si Yeng Guiao at pinalabas pa ito sa court.

Tinalo ng Painters ang kopunan ng Mahindra Enforcers sa iskor na 103-98.

Hinirang naman bilang best player si JR Quinahan na nakagawa ng 19 points habang tig 18-points naman sina Jeff Chan at Jericho Cruz.

Sa naging laro, hawak ng painters ang kalamangan mula sa first quarters.

Pagdating ng fourth quarter nagawang makahabol ng Mahindra sa kalagitnaan ngunit dahil sa matinding depensa ng Painters ay nagawang mapanatili ang kalamangan hanggang matapos ang laro.

Speak Your Mind

*