Rice Fortification, solusyon sa problema sa rice security ng bansa

Kinumpirma ng Food and Nutrition Research Institute ng Departnment of Science and Technology (FNRI-DOST) na mahalaga ang rice fortification para mabigyang solusyon ang problema na rice security sa bansa.

Ayon kay Dr. Imelda Agdeppa, Assistant Scientist ng FNRI-DOST sa pamamagitan ng rice fortification ay nako-convert ang broken rice sa whole grain.

Sa panayam ng sonshine radio kay Agdeppa ay ipinaliwanag niya na ang ratio ng milling process ay 70 percent ng whole grain at 30 percent ng broken grain.

Aniya kapag ginamit naman ang teknolohiya ay magiging 95 percent na itong whole rice.

Sinabi pa ni Agdeppa na natutulungan rin ang mga millers na mapataas ang presyo ng kanilang bigas dahil nako-convert ang broken grain sa whole rice, na mas mataas ang bilihan sa merkado.

Speak Your Mind

*