Rotation sa patubig, patuloy na isinasagawa ng NIA-Pangasinan

Patuloy ang ipinapatupad na rotation sa patubig ng National Irrigation Administration (NIA) sa pangasinan ngayong nararanasan ang dry season dala ng El Nino Phenomenum.

Ayon kay Engr. Teodoro Paragas, NIA-Provincial Irrigation Manager na ang hakbang na ito ay bilang mitigating measure ng ahensya para masuplayan ng maraming sakahan sa lalawigan.

Dagdag pa ni Paragas na nagsasagawa din ng regular monitoring ang NIA sa mga sakahan upang matiyak na patas ang naibibigay na tubig sa kanilang nasasakupan.

Apela naman ng opisyal sa mga magsasaka na huwag maging maramot sa kapwa magsasaka sakaling may patubig sa kanilang lugar.

Samantala, tiniyak naman ni Paragas na sapat pa ang supply ng patubig sa mga magsasaka na kanilang nasasakupan.

Speak Your Mind

*