San Fabian, handa na sa pagdagsa ng mga beach goers sa Semana Santa

Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng San Fabian, Pangasinan ang dagsa ng mga tao sa beach ngayong semana santa.

Ayon kay Jonathan Gacosta, Municipal Tourism Officer ang lubos nilang pinaghahandaan ang seguridad ng mga turista.

Sinabi niya na nakatutok sa San Fabian Bach ang mga police, coastguard at pati auxilliary force.

Tututukan nila ang mga maliligo sa dagat lalo na ang mga nakainum na kadalasang nagiging dahilan ng insidente ng pagkalunod sa lugar.

Payo nito na kapag nakainom ng alak ay huwag nang lumusong sa dagat.

Speak Your Mind

*