Sanhi ng toxic chemical accident sa Thailand, inaalam pa

Inaalam na ngayon ng mga otoridad ang sanhi ng toxic chemical accident sa headquarters ng Siam Commercial Bank (SCB) sa Thailand na ikinamatay ng walo katao.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Thai Authority, napag-alaman na kasalukuyang nagtatrabaho ang mga contractors sa fire fighting systems ng gusali nang maganap ang insidente.

Kabilang sa mga nasawi ang naturang mga contractors at guwardiya ng gusali.

Samantala, mariin namang itinanggi ng Executive Committee Chairman ng Thai Bank na si Vichit Suraphongchai na may naganap na pagsabog sa naturang commercial bank.

Sa ngayon, nasa pagamutan na ang pitong sugatan ng naturang insidente.

Speak Your Mind

*