Sarah Geronimo, matamlay sa pagtanggap ng kahit anong proyekto

Napapabalita ngayon ang hindi muna pagtanggap ng singer-actress na si Sarah Geronimo ng kahit anong proyekto.

Una ng pinagtaka ng marami kung bakit hindi kasama sa mga judge si Sarah sa The Voice Kids Season 3 gayong lagi naman itong pinipili ng mga bagets para maging coach.

Gayunpaman, wala pang opisyal na pahayag dito ang VIVA na siyang namamahala sa career ng dalaga.

Pero ayon sa malapit na source, mag-aaral daw si Sarah dahil noon pa nito gustung-gustong mag-aral pero hindi niya magawa dahil sa dami ng trabaho.

Ngunit may sources ding nagkuwento na kamakailan lang ay nagkaroon ulit ng hindi pagkakaunawaan ang pop princess at ang mommy niyang si Divine Geronimo dahilan ng halos isang buwang hindi pagsipot ng singer/actress sa ASAP 20.

Speak Your Mind

*