Sariling departmento, isinusulong ng Philippine Dental Association

Nais isulong ng Philippine Dental Association (PDA) na magkaroon ng sariling departamento ang mga dentista sa mga Health Office.

Naniniwala kasi ang pda na isa sa dahilan ng pagtaas ng kaso ng tooth cavities na naging sanhi ng pagkabulok ng ngipin ng mga bata ang kakulangan ng dentista sa pamahalaan.

Ayon kay Dr. Madonna Uson, President ng PDA-Pangasinan Chapter, marami sa mahihirap na bata ang hindi napapakonsulta sa dentist kayat mataas ng prosyento sa rehiyon uno ang nabubulok ang ngipin.

Dahil dito, nagsasagawa na lamang aniya ang PDA ng ibat-ibang aktibidad sa mga paaralan at kuminidad upang matutukan at mapigilan ang pagtaas ng kaso ng mga nabubulok na ngipin.

Speak Your Mind

*