Shortcut sa due process, itinanggi ni PDP-Laban standard bearer Duterte

Nanindigan si PDP-Laban Standard Bearer and Davao City Mayor Rodrigo Duterte na magkaiba ang estilo ng pamumuno nilang dalawa ni Pangulong Noynoy Aquino.

Itinanggi naman ni Duterte ang akusasyon ni Pangulong Aquino na magiging shortcut at maisantabi ang due process sa pangako ng alkade ng Davao na tatapusin nito ang kriminalidad, korapsyon at iligal na droga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Sagot naman ni Duterte, sadyang hindi lamang alam ni Aquino kung paano itong gawin na kaya nitong gawin kapag naluklok ito sa posisyon.

Magugunitang kinilala ang Davao City na 9th Safest City in the World ayon sa crowd sourcing survey site na numbeo.com.

Speak Your Mind

*