Sunog, naitala sa unang araw ng Fire Prevention Month sa Basista

Nakapagtala ang Bureau of Fire Protection (Bfp) ng insidente ng sunog na naganap sa Barangay Osmena Sr., sa bayan ng Basista sa unang araw ng Fire Prevention Month ngayong Marso.

Sa pamamagitan ng basista police sa pamumuno ni Senior Inspector Buenaventura Benavides III ay agad itong nakipag-ugnayan sa BFP San Carlos City.

Agad namang nag-respundi ang bumbero.

Nagtagal ng higit isang oras ang sunog sa isang conventional poultry.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil gawa ang manokan sa light materials.

Samantala, tinatayang aabot sa 150,000 pesos ang danyos sa naganap na sunog.

Speak Your Mind

*