Tatlong Negosyo Centers, planong itatag ng DTI sa Pangasinan

Plano ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtatag ng karakdagang tatlong negosyo centers sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan ang mga puntiryang paglalagyan ng itatatag na Negosyo Centers ay sa San Carlos City, Urdaneta City at bayan ng Tayug.

Magsisilbi ang mga nasabing centers sa mga micro, small and medium enterprises at mga mag-uumpisa pa lamang na mag-negosyo.

Ang mga itatayong Negosyo Centers ay posibleng maitatatag sa pangatlong quarter ng 2016.

Ang mga serbisyong iniaalok sa nego centers ay tulad ng business registration, financing, investment promotions, business information advocacy at iba pa.

Speak Your Mind

*