Taxi operators, tutol sa pagbaba ng flag down rate

Iginiit ng Philippine National Taxi Operators Association o PNTOA na hindi sapat na basehan ang pagbaba ng presyo ng gasolina para ibalik sa dating trenta pesos ang flag down rate.

Sa panayam ng sonhsine radio kay PNTOA President Attorney Bong suntay, sinabi nito na malaki ang magiging kabawasan sa kita ng mga taxi drivers kung ibaba ang kasalukuyang kwarenta pesos na flag down rate.

Maliban din aniya sa mataas na cost of living at presyo ng mga bilihin, lumiliit rin ang kita ng mga taxi drivers dahil sa matiding trapik.

Ikinababahala rin umano ng mga taxi operators kapag nagtuloy-tuloy ang pagtaas sa presyo ng gasolina.

Speak Your Mind

*