Telcos, binalaan sa kanilang maayos na serbisyo ngayong holy week

Kasabay ng pagdiriwang ng Semana Santa, muling nagpaalala ang National Telecommunication Commission o NTC sa mga Telecommunication Companies.

Dapat umanong hindi magloko ang kanilang serbisyo sa mga consumers.

Maging ang unli promos ay hindi rin dapat na maputol dahil sa holy week.

Kailangan din aniyang maging reliable ang serbisyo ng mga Telco Providers dahil inaasahan na marami sa ating mga kababayan ang gagamit o aasa sa kanilang smartphones para sa mobile calls, texts at internet service.

Giit pa ng komisyon, isa lang sa limang telcos na isinailalim nila sa speed test ng internet service ang nakakuha ng halos pasadong marka.

Speak Your Mind

*