Tennis star na si Maria Sharapova, sinuspinde matapos bumagsak sa drug test

Simula sa a-dose ng Marso, suspendido na ang tennis star na si Maria Sharapova matapos bumagsak sa Australian Open drug test.

Nagpositibo si Sharapova sa meldonium na isang uri ng gamot na ginagamit ng mga atleta para gamutin ang sakit sa puso at chest pain.

Depensa naman ni Sharapova, hindi niya alam na ipinagbabawal na pala ang naturang gamot.

Gayunman, inako pa rin ni Sharapova ang responsibilidad at umaasa na mabibigyan pa siya ng isa pang pagkakataon para makapaglaro sa torneyo.

Samantala, pinag-aaralan naman umano ng Nike kung aalisin si Sharapova bilang endorser nito.

Si Sharapova ang highest-paid woman athlete na kumita ng twenty nine million dollar noong 2015 ayon sa Forbes.

Speak Your Mind

*