Toni Gonzaga, nadiskaril ang nakatakdang album promotion sa Cebu

Hindi natuloy ang nakatakda sanang album promotion ng TV Host/Actress na si Toni Gonzaga sa Cebu kahapon.

Ito ay matapos na mag-emergency landing ang sinasakyan nitong Philippine Airlines (PAL) flight na patungong Cebu.

Sa insTagram post ni Toni, ikinuwento niyang nakasakay na siya sa eroplanong patungo sa Cebu nang umusok ang bahagi ng cockpit ng plane ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang ito ay lumipad pasado alas-2:00 kahapon.

Gayunpaman, nagpapasalamat naman ang aktres na ligtas silang nakakaba ng eroplano kasama ang nasa mahigit 100 pasahero nito.

Agad naman humingi ng sorry si Tony sa kanyang mga fans dahil sa napurnadang commitment doon.

Speak Your Mind

*