Trapiko sa bayan ng Manaoag, hindi umano problem ang PNP

Hindi itinuturing ng Manaoag Police na problema ang trapiko sa bayan.

Ayon kay Police Chief Inspector Brendon Palisoc, OIC ng Manaoag ang situwasyon ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa bayan ay ikinukunsidera nilang hamon.

Sa panayam ng Sonshine Radio ay sinabi ni Palisoc na ang situwasyon ay dapat harapin dahil sa bayan matatagpuan ang Minor Basilica na pangunahing tourist destination sa lalawigan.

Binigyang diin pa nito na nagkaroon na rin sila ng konsultasyon ng mga parking boys sa mga dapat nilang gawin para hindi rin magkaroon ng problema ang mga bumibisita sa lugar.

Pinayuhan niya ang mga ito na maging magalang at sa lahat ng oras ay panatilihin ang respeto sa pakikitungo sa mga bisita.

Mula noong umupo sa posisyon si Palisoc bilang OIC ng Manaoag Police ay wala pa umano siyang natatanggap na reklamo laban sa mga parking boys.

Speak Your Mind

*