Turismo sa Western Pangasinan, hindi apektado ng El Nino

Walang epekto ang nararanasan ngayong El Nino Phenomenon sa turismo sa Western Pangasinan.

Ito ayon kay Tooth Orfinada, Alaminos City Information Officer ay dahil mas patok pa sa mga turista ang mainit na panahon kung saan dinadagsa ng magagandang beach sa lugar.

Sa katunayan sinabi pa ni Orfinada na mas tumataas pa ang tourist arrival sa Hundred Island National Park.

Ganumpaman, hindi naman nagkukulang sa paalala ang mga otoridad sa mga tourista na magdala ng bottle water kung magtutungo sa isla upang maiwasan ang dehydration at ilagay sa tama ang paliligo sa dagat upang hindi masyadong mabilad sa sikat ng araw.

Speak Your Mind

*