UN, nagbabala na mas marami pang mamamatay sa Syria

syriaNagbabala ang United Nations na mas marami pa ang posibleng mamamatay sa Syria dahil sa matinding gutom bunsod ng kaguluhan.

Sa pahayag ni UN Human Rights Chief Zeid Ra’ad Al Hussein, libo-libong mamamayan ng Syria ang nata-trap at apektado ng digmaan at pambobomba sa naturang bansa.

Marami na rin umanong eskwelahan, palengke at ospital ang tinamaan ng pambobomba sa Syria.

Ginawa ni Hussein ang pahayag habang inihahanda ng un ang tulong na ipapadala sa Syria.

Speak Your Mind

*