10 lugar sa Pangasinan, minomonitor ng PHO dahil sa sakit na Malaria

Patuloy paring binabantayang ng Provincial Health Office (PHO) ang sampung bayan sa lalawigan ng Pangasinan na dati nang nakapagtala ng sakit na Malaria.

Batay sa tala ng PHO, ang mga bayan sa Western Pangasinan na dating pandemic sa sakit na Malaria ay bayan ng Sual, Agno, Burgos, Bani, Mabini, Dasol, Infanta, Mangatarem, dalawang bayan sa Eastern Pangasinan ang bayan Sison at San Nicolas.

Nilinaw naman ni Eugenio Carlos Paragas, nurse ng PHO na limang taon nang walang naitalalang kaso ng Malaria sa Pangasinan, kayat posibleng makamit na ang Malaria Free Province.

Sa panayam ng Sonshine Radio sinabi ni Paragas na hinihintay nalang ng PHO ang pagdating ng mga kinatawan ng World Health Organization (WHO) para sa assistment ng certificate bilang Malaria Free Province ang Pangasinan.

Una nang ginunita nitong Abril a-bente singko ang “World Malaria Day” na may temang “End Malaria For Good” na tinatarget na tuluyang mawawala ang sakit na Malaria sa buong mundo sa taong 2030.

Speak Your Mind

*