10th-Year Anniversary Concert ni Kim Chiu, matagumpay

Matagumpay ang isinagawang 10th-Year Anniversary Concert ni Kim Chiu na Chinita Princess: The Funtasy Concert noong Sabado na ginanap sa Kia Theater.

Ilan sa mga highlights ng concert ay ang kanyang dramatic entrance kung saan inawit niya ang “Out Of The Woods” ni Taylor Swift at ang Jessie J hit na “Burnin Up”.

Nag-perform din ang tinaguriang Chinita Princess kasama sina Angeline Quinto, Morisette Amon, Enchong Dee, Piolo Pascual at marami pang iba.

Kinilig naman ang Kimxi fans sa One Call Away duet nila ng ka-loveteam na si Xian Lim, sa huli ay kinanta niya ang Mr. Right habang binibigyan siya ng mga regalo at bulaklak ng kanyang fans.

Matatandaang, nagsimula si Kim sa showbiz nang manalo itong kauna-unahang Pinoy Big Brother Teen Edition Big Winner noong 2006.

Speak Your Mind

*