13 High Risk Area sa kaso ng rabies, binabantayan ng PVO

Pumalo na sa mahigit dalawamput isang libong mga aso sa lalawigan ng Pangasinan ang nabakunahan ng anti-rabies ng Provincial Veterenarian Office (PVO).

Ganupaman, target parin ng PVO na mabakunahan ang aabot sa 280,000 o mahigit sa pitumpong porsyento ng mga aso sa Pangasinan lalot nasa labing tatlong bayan sa lalawigan ang may naitala ng rabies.

Ayon kay Dr. Eric Perrez, Provincial Veterinarian na tuloy-tuloy ang kanilang isasagawang vaccination sa mga high risk area at mga lugar na nagpositibo sa kaso ng rabies.

Kabilang rito ang mga bayan ng Umingan, Binalonan, San Manuel, San Fabian, Binmaley, Aguilar, Lingayen, Alcala, Bolinao, Sta. Barbara at lungsod ng Urdaneta, San Carlos at Dagupan.

Una nang naitala ng Povincial Health Office at PVO ang tatlumput anim na kaso ng rabies kung saan anim rito ang namatay mula buwan ng Enero hanggang Abril ngayong taon.

Speak Your Mind

*