1st Night Job Market, isasagawa sa Pangasinan sa Labor Day

Kasado na ang isasagawang kauna-unahang Night Job Market ng Provincial Employment Services Office o PESO Pangasinan sa darating na Mayo a-uno, selebrasyon ng Araw ng Paggawa o Labor Day.

Ayon kay PESO Officer Alex Ferrer, ang Night Job Market ay kauna-unahang mangyayari sa buong bansa na gagawin mula alas sais ang hapon hanggang alas dose ng hating gabi.

Layunin umano nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga under-employed at employed na gustong magbago ng trabaho at mag-abroad ngunit walang sapat na oras para sa paghahanap ng trabaho sa day time.

Tiniyak naman ni Ferrer na ang lahat ng mga job seeker mula sa malalayong lugar ay may matutuluyan para magpalipas ng gabi habang nag-aaplay.

Bukas naman aniya para sa lahat ng mga high school graduates, vocational graduates hanggang sa mga professional ang mga trabaho mapa-local man at abroad.

Speak Your Mind

*