20% ng mga nag-aapply sa job fair ng DOLE, natatanggap agad sa trabaho.

Magandang balita para sa mga empleyado at sa mga naghahanap ng trabaho ilang araw bago ang labor day sa mayo a-uno.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay DOLE Spokesperson at Undersecretary Nicon Fameronag, sinabi nitong may dalawampung libong job openings sa gagawing job fair ng DOLE sa Cebu.

Dagdag pa ni Fameronag, bukod sa mga job openings, may mga wage increase din sa Region 2, 3, ARMM, 4, at sa Aurora.

Pero ngayong patapos na ang administrasyon Aquino, sinabi ni Fameronag na magsisilbing hamon ang hired on the spot record ng DOLE para sa susunod na administrasyon.

Speak Your Mind

*