20 porsyentong sakahan ng sakop ng Sinucalan River, natutuyo na

Halos dalawampung porsyento o higit tatlong daang ektaryang sakahan na sakop Sinucalan River ang kapos na sa suplay ng patubig.

Ayon kay Engr. Sergio Martinez, hepe ng Agno-Sinucalan River Irrigation System – National Irrigation Administration (NIA) Pangasinan, ito ay dahil sa mga hindi natapos na proyekto ng ahensya.

Kabilang na aniya rito ang pag-upgrade sa mga irrigation facilities, canalization program hindi parin tapos, kulang na farm level facilities at iba pang mga sirang pasilidad.

Dahil dito, apela ng NIA sa mga lugar na una nang nabigyan ng water pump, at shallow tube well na gamitin muna ito at ibahagi rin sa mga kalapit na sakahan.

Nabatid na ang mga bayan ng Sta. Barbara, Calasaio, Mangaldan, at lungsod ng Dagupan ang nasusuplayan ng patubig mula sa Sinucalan River Irrigation System.

Speak Your Mind

*