24 hour na checkpoint, asahan na mga papalapit na eleksyon

Asahan na ang 24 hour na checkpoint ang ipatutupad ng Pangasinan Provincial Police Office o PPPO ilang linggo bago ang national at local election sa Mayo a-nuebe.

Sinabi ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for operation ng PPPO, na habang papalapit ng eleksyon ay madadagdagan ang dati nilang ipinatutupad na 2hour checkpoint.

Dahil dito, apela naman ni Candelario sa mga motorista na maging responsable at makiisa sa ipinapatupad na checkpoint ng PNP at Comelec para makamit ng probinsya ang malinis at maaayos na halalan.

Samantala, inaasahan naman ang higit anim na raang karagdagang police personnel na magmumula sa regional police office ang itatalaga sa lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*