24 MSMES sa Pangasinan, target tulungan ng dost ngayong 2016

Dalawamput apat na mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMES) sa lalawigan ng Pangasinan ang target ng matulungan ng Department of Science and Technology o DOST sa taong 2016.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Arnold Santos, SRS II / OIC Satellite Officer na ito’y sa ilalim ng Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP) ng DOST.

Sinabi ni Santos na ito ay isang programa na funding assistance para mabili ang mga hi-tech equipment upang sa ganun ay ma-improved ang paggawa ng produkto, maging produktibo at lumago ang benta sa merkado.

Nagsasagawa naman umano ang DOST ng screenings upang masiguro na tama ang matutulungang MSMES, na mula sa sector ng Food Processing, Furniture, Gift Decor and Handicrafts, Marine and Aquatic Resources, Agriculture, Metals, Engineering, Electronics, Information and Communication Technology o ICT, Health and Wellness Products at iba pa.

Payo naman ni Santos sa mga may negosyo na nais na maging bahagi ng SETUP makipag-ugnayan lang sa pinakamalapit ng DOST Field Office sa bayan ng Lingayen at lungsod ng Urdaneta.

Speak Your Mind

*