30% ng mga palaisdaan sa Pangasinan, apektado na ng El Nino

Umaangal na nang malaking pagkalugi ang mga fishpond owner sa bayan ng Binmaley, Pangasinan dahil sa pagkatayo ng kanilang mga palaisdaan.

Sa ngayon umabot na sa apatnaraang (400) ektarya ng palaisdaan ang natuyot o katumbas ng limampung milyong piso ng pakalugi sa sektor ang pangisdaan.

Ayon kay Municipal Agriculturist Fernando Ferrer isa rin sa nagpahirap sa mga fishpond owner ang nararanasan ngayong low tide kung saan mahirap magpapasok sa mga palaisdaan ng fresh water mula sa mga kailugan.

Upang bahagya namang makabawi sa pagkalugi, sinabi ni Ferrer na ang ibang fishpond owner ay pinalalim sa pamamagitan ng paghuhukay sa kanilang palaisdaan upang magkaroon ng tubig

Batay naman sa tala ng Provincial Agriculture Office, nakapagtala na nang hanggang tatlumpong porsyento (30%) ng mga palaisdaan sa Pangasinan ang apektado ng El Nino kabilang na rito ang mula sa bayan ng Binmaley, Lingayen, Labrador at lungsod ng San Carlos.

Speak Your Mind

*