300 volunteer nurse, makikinabang sa Government Internship Program

Abot tatlong daan (300) volunteer nurse sa lahat ng mga pampublikong hospital sa Pangasinan ang benepisyaryo ng Government Internship Program o GIP.

Ayon kay PESO Manager Alex Ferrer, ang GIP ay programa ng Provincial Government at Department of Labor and Employment o DOLE kung saan ang mga volunteer nurse ay itatalaga sa provincial, district, community hospital sa Pangasinan.

Sinabi pa ni Ferrer na ang lahat ng benepisyaryo ng GIP ay mabibigyan ng certificate of employment na maaari nilang magamit sa paghahanap ng permanenteng trabaho local man o abroad.

Tatanggap rin umano ng allowance ang mga volunteer nurse ng nasa P200 salary minimum rates kung saan ang animnapung porsyento ay mula sa provincial government at ang apatnapung porsyento ay mula naman sa DOLE.

Speak Your Mind

*