39 bayan at lungsod sa Region 1, kabilang sa Areas of Concern ng Comelec

Abot tatlumpot siyam na bayan at lungsod sa Region 1 ang tinukoy na kabilang sa Areas of Concern ang nalalapit na May 9 election.

Ayon kay Atty. Julius Torres, Comelec Regional Election Director ng Region 1, batay sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakabilang sa eletion watch list ay nakapagtala ng intense political rivalries at insidente ng election-related violence.

Sinabi pa ni Torres na sa 39 Areas of Concern, labin anim rito ay mula sa lalawigan ng Pangasinan, sampung sa Ilocos Norte, pito sa Ilocos Sur at anim na lugar sa lalawigan ng La Union.

Hindi naman nilinaw ni Torres kung magbabago pa ang nasabing bilang ilang araw bago ang eleksyon.

Kasabay nito, mas pinaigting pa ng Comelec katuwang ang police at military forces ang pagbabantay para matiyak ang safe at peaceful election sa Rehiyon.

Speak Your Mind

*