AFP, tiniyak na hindi tatantanan ang grupong nakapatay sa 18 sundalo

Tiniyak ng armed forces of the Philippines (AFP) na hindi nila tatantanan ang grupong nakapatay sa 18 miyembro ng Philippine army sa Basilan.

Ayon kay Major Felimon Tan, Spokesman ng Western Mindanao Command, sadyang hindi binitiwan ng tropa ng Joint Task Force Basilan ang grupo ng Abu Sayyaf na umaabot sa 120 dahil alam nilang malalaking opisyal ng mga bandido ang naroon.

Sa katunayan, napatay anya sa bakbakan si Mohammad Khattab, isang Moroccan National na kilala nilang instructor sa paggawa ng IED o Improvised Explosive Device at Ubaida Hapilon, anak ni Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon.

Samantala, nasa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa lahat ng kampo militar at mga tangapan ng tanggulang pambansa.

Speak Your Mind

*