Alden Richards, pinagkaguluhan sa pagbubukas Bangus Festival

Pinagkaguluhan ng libo-libong mga Dagupeño ang GMA artist na si Alden Richards sa pagdalo nito sa pagbubukas ng taunang selebrasyon ng Bangus Festival sa nitong Biyernes.

Tinatayang aabot sa walong libong fans ni Alden ang nakagulo sa may limang libong kapasidad lamang ng Dagupan City Plaza kung saan nahirapan pa itong umakyat ng stage.

Nagpasalamat naman si Alden na overwhelmed na init ng pagtanggap sa kanya ng mga Dagupeño.

Samantala, sa nagpapatuloy ang Bangus Festival, magkakaroon naman ng Float Parade sa April a-kinse na tatampukan ng cast ng magkaibang mundo sa pangunguna nina Louise Delos Reyes at Juancho Trivino.

At sa huling gabi naman ng Festival, magaganap ang Kapuso Night kasama ang cast ng “Because Of You” na sina Carla Abellana, Rafael Rosell, Joyce Ching at Kristoffer Martin, sina Andrea torres at Mike Tan naman ng “The Millionaire’s Wife” at sina Bea Binene at Derrick Monasterio ng “Hanggang Makita Kang Muli”.

Speak Your Mind

*