Alegasyon ni Binay kay P-noy na walang nagawa para maiangat ang buhay ng mga Pinoy, pinalagan

Pinalagan ng Malakanyang ang alegasyon ni Vice President Jejomar Binay laban kay pangulong Noynoy Aquino na wala itong nagawa para maiangat ang buhay ng mga Pilipino.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, walang batayan ang paratang ni Binay dahil mula Sick Man of Asia noon ay itinuturing nang Asia’s Rising Star ang Pilipinas sa ilalim ng administrasyongAquino.

Dagdag ng palasyo natamo din sa ilalim ng administrasyong Aquino ang investment grade rating, pagbawas ng 7 milyong mula sa hanap ng mahihirap dahil sa conditional cash transfer program ng pamahalaan.

Ipinagmalaki din ng Malakanyang ang pananatili ni P-noy sa pinakamataas na performance approval at trust rating kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Matatandaang sinabi ni Binay na naging failure si P-noy sa pagiging lider ng bansa dahil wala halos itong naitulong para maiangat ang buhay ng bawat pilipino.

Speak Your Mind

*