Ana Capri, dumulog sa NBI matapos bastusin sa isang bar

Dumulog sa tangapan ng National Bureau of Investigation ang aktres na si Ana Capri para ireklamo ang umano’y pambabastos dito ng isang lalaki sa isang bar sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ayon sa aktres, bigla umano itong hinipuan ng nasa tinatayang na 50-anyos na lalaki at may taas na 5’7 habang nagcha-charge ng kanyang cellphone.

Ngunit nang komprontahin daw niya ang lalaki bigla raw siyang sinampal at dinuduro-duro pa nito.

Ang ikinasasama pa aniya ng loob ng aktres, inalalayan pa ng mga security ang lalaki para makaalis ng establisimyento nang hindi niya nakukuha ang pangalan nito.

Ayon sa NBI, hihingi sila ng kopya ng CCTV footage ng bar para makatulong sa kanilang imbestigasyon at matukoy ang pagkakakilanlan ng naturang lalaki.

Speak Your Mind

*