Anim na kandidato ng Liberal Party, pasok sa magic twelve sa survey ng Pulse Asia

Anim na kandidato ng administrasyon ang pasok sa Magic Twelve sa pinaka-huling survey ng Pulse Asia.

Nangunguna si Senate President Franklin Drilon at Senador Tito Sotto na kapwa nasa unang pwesto.

Kabilang din sa Magic Twelve sina dating Food Czar Kiko Pangilinan, dating Justice Secretary Leila De Lima, Senador Ralph Recto, dating TESDA Chief Joel Villanueva, at dating Congresswoman Risa Hontiveros.

Bukod sa naturang mga kandidato ng administrasyon, pasok din sina dating Senador Ping Lacson, dating Senador Migz Zubiri, Senador Sergio Osmeña, Congressman Manny Pacquiao, at dating Senador Dick Gordon.

Speak Your Mind

*