Anim na Vice Presidentiables, kontra sa same-sex marriage sa bansa

Sa isinagawang Vice Presidential debate kahapon sa University of Sto. Tomas, nagkaisa ang anim na Vice Presidentiables sa pagkontra sa same-sex marriage sa bansa.

Mariing tinutulan nina Senator Alan Peter Cayetano, Senator Francis Escudero, Senator Gringo Honasan, Senator Bongbong Marcos, Senator Antonio Trillanes at Congresswoman Leni Robredo ang matagal nang isinusulong na same-sex marriage.

Hindi naman nabigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na maipaliwanag ang kanilang sagot dahil ang naturang katanungan ay bahagi lamang ng segment na ‘yes or no’’ lang ang sagot.

Samantala, pabor naman ang anim na Vice-Presidentiables sa pagpasa sa Anti-Dynasty Law sa Bansa.

Aminado ang mga kandidato na bagama’t nasa saligang batas ang pagbabawal sa dynasty, pahirapan pa din ang pagpapasa ng nasabing panukala.

Speak Your Mind

*