Anim pang slots para sa Rio Olympics, target ng POC

Target ng Philippine Olympic Committee (POC) na madagdagan pa ang limang kinatawan ng Pilipinas sa 2016 Rio Olympics na gaganapin sa Agosto.

Ayon kay POC First Vice President Joey Romasanta, may anim na slot pa silang target para sa mga atletang pinoy apat na buwan bago ang aktwal na laro.

Ang limang sigurado na sa Rio Olympics ay sina Fil-Am Sprinter Eric Cray, boksingerong sina Rogen Ladon at Charly Suarez, Taekwondo Jin Elaine Alora at Table Tennis Player Ian Lariba.

Ani Romasanta, umaasa pa siyang madadagdagan pa ng tig-dalawang lalaki at babaeng boksingero para sa delegasyon ng bansa sa Rio.

Umaasa rin ang POC na makakasama ang Weightlifter na si Hidilyn Diaz at ang Gilas Pilipinas.

Speak Your Mind

*