Animal Kingdom Foundation, nagbabala sa pagkain ng karne ng aso

Nagbabala ang Animal Kingdom Foundation sa mga Pangasinense hinggil sa pagkain ng karne ng aso.

Ayon kay Dr. Roland Arciga, Chief Veterinarian ng Animal Kingdom Foundation na hindi ligtas ang pagkain ng karne ng aso dahil sa rabies na posibleng makuha dito.

Bukod dito, maaari rin umanong mahawa ang tao sa mga bacteria at fugal infection na taglay ng aso.

Idinagdag pa ni Arciga na may batas din na nagbabawal sa pagpatay at pagkain ng karne ng aso sa ilalim ng anti-rabies act of 2007 kung saan may multa na limang libo sa kada ulo ng aso at hindi bababa sa apat na taong pagkakakulong.

Speak Your Mind

*