Arraignment sa mga kaso ni dating Chief Justice Renato Corona, muling ipinagpaliban

Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan Third Division ang arraignment ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona para sa kasong perjury at paglabag sa Code of Conduct.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na ipinagliban ng korte ang arraignment sa naturang kaso ni Corona.

Sa halip ay itinakda ang arraignment sa kaso sa Hunyo a-bente.

Nag-ugat ang naturang mga kaso sa umano’y maling pagdedeklara ni Corona ng kanyang assets sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Networth (SALN).

Speak Your Mind

*