Asin industry sa Dasol, masigla ngayong el nino

Masigla ngayon ang asin industry sa bayan ng Dasol, Pangasinan.

Ito’y dahil sa nararanasang init ng panahon na akma para sa magandang produksyon ng asin.

Ayon kay Miguelito Nono, Tourism Officer ng Dasol, malaking tulong sa mga nag-aasin ang nararanasang el nino sapagkat kapag mainit ang panahon ay doble ang nagiging produksyon ng asin.

Sa ngayon nasa P120 ang presyo ng kada kaing ng asin.

Nabatid na ang Dasol ang may pinaka-malaking produksyon ng asin sa lalawigan at asin ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka.

Speak Your Mind

*